8 Followers
32 Following
Lasheilangling

The Only Epikia

Haggard. Twisted. Awkward. Weird? Bubbly. Hungry. Sleepy. I am a 20 year old something Registered Nurse, but ‘something’ by heart. I don’t know that ‘something’ yet, I’m still soul-searching, you know? I'm a master of none, I march to the beat of a different drummer and have the ability to laugh at most any situation.

Currently reading

Pride and Prejudice
Jane Austen, Anna Quindlen
Wuthering Heights
Richard J. Dunn, Emily Brontë
Tuesdays With Morrie
Mitch Albom
Ever After
Karen Kingsbury
So Yesterday
Scott Westerfeld
Strange Bedpersons (MIRA)
Jennifer Crusie
Open House
Jill Mansell
The Au Pairs
Melissa de la Cruz
An Abundance of Katherines
John Green
Lucky
Alice Sebold, Claudia Valeria Letizia
Lumayo Ka Nga Sa Akin - Bob Ong "Tatlo ang magulang ng henerasyon natin. Ang tatay, ang nanay, at ang mga patalastas o media. Kaya kung mahina yung dalawang nauna, naagawan sila ng ikatlo sa pagpapalaki sa bata."

Sa huling libro ni Bob Ong na 'Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan', hindi ako naligayahan, pagkatapos basahin iyon ay napaisip ako kung nawala na nga ba ang, ugh, eh, elemento ni Bob Ong na nakapanghikayat sa akin noon na basahin at tapusin ang mga libro na kanyang naisulat? Nung nalaman ko na may bago siya, kahit na hindi ako ganung naaliw sa huli kong nabasa na gawa niya, isa pa din si Bob Ong sa mga paborito kong Pinoy authors (at kakaunti lang 'sila'--at pag sinabi kong 'sila, ibig sabihin nabibilang lang 'sila' ng isang kamay ko--kung tutuusin, hindi ko alam kung dapat akong malungkot o mahiya sa impormasyong ito...pero totoo.) kaya binili ko agad at binasa...pero hindi ng isang basahan (tulad ng ibang gawa niya), kasi madaling araw na nun at antok na antok na ako kaya tinapos ko yung pangatlong istorya nang magising ako (at sa totoo lang, kani-kanina lang iyon. HAHA. XD)

Naaliw ako sa konsepto, script style, at salamat, balik sa dating sarcasm si Bob Ong at natawa ako sa mga linya. Nahati sa tatlong istorya ang libro: Bala sa Bala, Kamao sa Kamao, Satsat sa Satsat; Shake, Shaker, Shakest; Asawa ni Marie Mababasa mo dito yung mga cliched story lines ng movie industry ng Pilipinas--mapa-action, horror at love story-slash-pantaserye--exaggerated style; kung gaano kalakas ang impluwensya ng media sa Pinoy lalo na sa kabataan at kung paano nag-re-respond ang mga ito dito, kung ito ba ay 'in' o 'jologs' sa paningin ng madla "Pero hindi lahat ng inaakala mong korni, e korni. Minsan ikaw lang din talaga ang walang sense of humor at may diperensya, siguro dahil sa pagpipilit mong maging iba."; kung paano nababoy ng komersyalismo ang dapat sana'y 'sining' kung ituring ngunit dahil pera-pera lang nga daw ang usapan at iyon ang gustong makita ng manonood, ayos lang daw. "...bobo ang mga manonood. At wala naman sa kanilang nagrereklamo."

"Wala tayong delikadesa. Puro kita, komersyalismo, at pera-pera lang ang usapan. Wala na tayong paggalang sa sining man o sa manonood--"

Mabuti naman at bumalik sa akin ang charm ni Bob Ong. Ugh, eh, elemento niya to. Tatak Bob Ong tong librong to. Ako'y nagalak at napaisip din pagkatapos kong basahin ito--Mapapailing naman ang mga mambabasa sa buong kwento ng kanilang nasaksihan, pero wala silang gagawin o babaguhin. Tatawa lang sila. Tatawa lang sila at sisihin ang sistema...ang laging bida at walang kamatayang sistema. Babasahin ko pa din yung mga susunod na libro niya. YEHEY. :)

"Balang araw, may mga magmamalasakit din sa henerasyon nyo. Balang araw, magbabago rin ang lahat. Balang araw."